Huwebes, Agosto 13, 2015

Feelings that I want share


            Nalulungkot ako kasi Alam ko sa sarili ko hanggang ngayon may sama pa rin ng loob ang magulang ko sakin Lalo na ang papa ko. Masakit sakin na maramdamang nasasaktan ang mga magulang ko.

            Si Papa kasi ako yung paborito nyang anak. Alam ko yun, kasi nung bata ako, ako ang lagi nya pinapaboran. Alam ko ngayon may nararamdaman na sya pero ayaw nya magpacheck up kasi wala daw syang pera para duon. Maraming utang si papa. Kaya ganyan sya mag-isip. :'(

             Si mama, alam ko inuunawa nya kami hanggang ngayon. Kasi Nanay sya namin at alam nya sa sarili nya na obligasyon nya yun, kaya kahit gusto na nyang magalit samin ayaw nya. Pilit na kaming iniintinding magkakapatid kung bakit kami nag-asawa ng maaga. Si mama marami syang utang na hindi alam ni papa. Kaya madalas nahihirapan na sya kasi di nya alam pano bayaran kasi ang sahod nya sa pagiging streetsweeper is napupunta lang sa utang nya sa iba. :'(

            Masakit sa'kin na hindi ko matulungan ang mga magulang ko. Alam ko nman na kahit may asawa na kami obligasyon pa rin namin magbigay sa magulang namin, pero pano? Pano nga ba ako makakapagbigay kung msimong sarili ko di ko matustusan. :'( Alam ko naman ang kasalanan ko, ano nga ba ang magagawa ng pagsisisi ko kung wala na, kung di na maibabalik ang dati. :( Habang sinusulat ko to umiiyak ako. Kasi naiisip ko na nman ang tatay ko at nanay ko. Yung Tatay ko balita ko ay gusto na mag-resign kasi napapagod na sya? Pano na yung mga kapatid kong dalawa na nag-aaral pa? 


-marden

Martes, Agosto 4, 2015

Social Climber

Social Status: Climber

Paalala: Kung ikaw ay kasalukuyang umiinom ng Starbucks habang binabasa ito, naliligaw ka ata, kapatid. Mabuti sanang iyong pindutin ang link na ito upang ikaw may ma-direct sa Instagram page. Hindi ako yung taong nag ge-genralize at hindi ko sinasabing lahat ng makikitang tao sa mga sumusunod na babanggitin ko ay kabilang na sa kanila. Opinyon lamang ito at kung magiging keyboard warrior ka dahil sa post na ito, pasensya na.
Kung hindi mo pinindot yung link papunta sa website na nagpo-promote ng photo albums ng kape na may frosting sa tuktok, mabuhay! Ibig sabihin, handa ka sa ating pag-uusapan ngayon. Isang usapang totoo, usapang hindi bubuwelo, usapang makatotohanan at diretso ang pagbibitaw.
Sino nga ba ang paksa natin ngayon? Sa pagbasa mo palang ng paalala, alam mo na iyon panigurado. Kung hindi, ayos lang din yan! Dahil interesado ka, ipapaliwanag namin sila sayo ng mabuti. Ang pag-uusapan natin ay walang iba kundi ang mga paboritong tao ng Fault Finding Society of the Philippines o FFSP dahil sa kanilang misyon na umakyat sa tuktok ng Mt. Lipunan. Sa simpleng salita, sila ang mga social climbers sa panahon ngayon.
Hindi sila kalaban, hindi rin sila kawatan. Kung ilalarawan ko sila, sila yung katumbas ng keyboard warriors na kung hindi mo pa nababasa ay i-click mo muna ang link na ito. Ang pagkakaiba lang nila, mayayaman sila at may pambili ng kape na may frosting sa tuktok. Oo, tama ang pagkakabasa mo. Mahilig sila magkape hindi dahil gusto nila manatiling gising, kundi dahil sa tingin nila, isang disenteng coffeehouse ang basehan ng pagiging mataas sa lipunan.
Kagaya ng karamihan, nasa middle-class sila kung mamuhay. Ang problema lang, sila yung kadalasan naii-spoil ng magulang kaya’t panay gastos nila sa mga hindi ganon kahalagang bagay.
Ay, bago ko pa makalimutan. Nag-aaral din sila. Yung iba pa nga ay nasa prestihiyosong unibersidad pa. Pero sa kasamaang palad, ginagamit nila ang kaalaman nila para magmukhang nangingibabaw at nakatataas.
Anong sabi mo? Saan sila matatagpuan? Kung ninanais mo talaga silang makita, sige, bibigyan kita ng tips kung saan sila maaaring makita.
1. Starbucks Coffee – Hindi ko sinasabutahe ang brand ng kape na ito. Kadalasan lang, karamihan sa kanila ang tumatambay dito para sa libreng wifi at para sa disenteng instagram post(or pwede na rin dahil hindi nila alam kung paano gumamit ng coffee maker). Paborito nila ang frappuccino kasi nga may frosting ito sa tuktok, at maganda para sa kanilang IG feed. Hindi naman lahat ng umiinom ng frappuccino ay matuturing na nating social climber. Obserbahan mo sila, pag may naglabas ng cellphone at kumuha ng litrato ng kanilang iniinom, wag ka na magtaka dahil isa na siyang…certified
2. Bonifacio Global City – Kilala natin itong lugar na to dahil sa mala-Estados Unidos nitong itsura. Pero gaya natin, kilala rin ito ng mga paborito natin dahil may taglay silang radar ng mga “must visit” places dito sa Metro para makagapang. Uulitin ko, hindi lahat ng nagpupunta rito ay social climber. Kadalasan, makikita mo lang yung social climbers sa kalsada. Sila yung mga skateboard boys na mahahaba kung magsuot ng damit. Ay bago ko pa makalimutan, kung gusto mo makahanap ng tropa sa BGC, subukan mong sumabay sa night life nila. Wag kang papasok sa clubs, obserbahan mo lang yung mga papasok sa club galing sa shuttle bus. Pag nakakita ka na kahit isa, wag ka na magtaka dahil isa na siyang…certified
3. Facebook – Oo, tama ang pagkakabasa mo. Tama ka. Laganap din dito ang mga paborito natin. Sa papaanong paraan? Sila yung madalas mag status lalo na pag pumupunta sa Ayala Alabang, pero kakain lang naman sa fast food chain. Sila rin yung diretso magtagalog pag kausap mo sa personal, at bigla bigla nalang nagiging english master sa social media para sa magandang publicity. At tsaka nga pala, pag may kaibigan kang wala namang event, pero nag photo shoot sa isang mall, wag ka na mag taka dahil isa na siyang…certified
4. Instagram – Hindi talaga natin makakalimutan to! Mapagbibigyan pa natin ang twitter, pero ito hindi! Ayoko na magpaliwanag pa dahil nasabi ko na ito sa simula. Nagiging platform na ito ng mga social climbers para maipost nila ang photo album ng kanilang mga luho sa buhay. Hindi naman kasi mawawala sa mundong ito yung mga “instagrammable” brands kahit anong inis natin sa mga ito. Kasama na rito ang mga Janoski na parehas ng mga design at sa kulay lang naiiba, mga Rastaclat na ganoon din ang katangian, GoPro video nila habang ginagapang ang Mt. Lipunan, at higit sa lahat at numero uno sa isinagawang survey, ang paborito nilang kape na may frosting sa tuktok. Pag may kaibigan kang ganito, i-unfollow mo na, unless handa ka makita ang posts ng isangcertified
5. Aircon – Ito na ang pinaka nakakatuwang spot na pwede mo silang matagpuan. Nagseselfie sila kung minsan na may katabing aircon para iparamdam sa iba na “may aircon kami at kayo wala”. Oo, may mga taong ganyan. Mga taong hindi mo alam kung anong gustong ipaglaban. Sabagay, yung iba nga nagpupunta lang sa mall para magpalamig kasi nga may aircon. Nakapaka underrated man, selfies with that embedded computer tells us one thing. Those people are, damn yes, acertifiedhttps://shoutoutmanila.wordpress.com/2015/08/02/social-status-climber/

Linggo, Agosto 2, 2015

Monday Prayer

https://www.youtube.com/watch?v=HUoQwBd0UF4&list=PLpJAwannOta45tq4lTxYrtTdfZWMv_YR7&index=7








Presence

To be present is to arrive as one is and open up to the other.
At this instant, as I arrive here, God is present waiting for me.
God always arrives before me, desiring to connect with me
even more than my most intimate friend.
I take a moment and greet my loving God.






Freedom

Lord grant me the grace
to have freedom of the spirit.
Cleanse my heart and soul
so I may live joyously in Your love.





Consciousness

Where do I sense hope, encouragement, and growth areas in my life? By looking back over the last few months, I may be able to see which activities and occasions have produced rich fruit.  If I do notice such areas, I will determine to give those areas both time and space in the future.





The Word of God

Matthew 14:13-21

Now when Jesus heard of the death of John the Baptist, he withdrew from there in a boat to a deserted place by himself. But when the crowds heard it, they followed him on foot from the towns. When he went ashore, he saw a great crowd; and he had compassion for them and cured their sick. When it was evening, the disciples came to him and said, "This is a deserted place, and the hour is now late; send the crowds away so that they may go into the villages and buy food for themselves." Jesus said to them, "They need not go away; you give them something to eat." They replied, "We have nothing here but five loaves and two fish." And he said, "Bring them here to me." Then he ordered the crowds to sit down on the grass. Taking the five loaves and the two fish, he looked up to heaven, and blessed and broke the loaves, and gave them to the disciples, and the disciples gave them to the crowds. And all ate and were filled; and they took up what was left over of the broken pieces, twelve baskets full. And those who ate were about five thousand men, besides women and children.






Conversation

How has God's Word moved me? Has it left me cold?
Has it consoled me or moved me to act in a new way?
I imagine Jesus standing or sitting beside me,
I turn and share my feelings with him.






Conclusion

Glory be to the Father, and to the Son, and to the Holy Spirit,
As it was in the beginning,
is now and ever shall be,
world without end.